Daddy: Uy! Padating na daw si Ma’am!
Cielo: Talaga!? ako na lang dito, ako magbabantay dito papasulatin ko siya tas lalagyan ko ng pin, hehe...Hay nako ang tagal naman nun kanina pako naghihintay sa kanya ah, pinaghihintay niya ang beauty ko, hahaha...
..after 30 seconds...Daddy: AYAN NA SIYA!!!!!!!!!! (aligaga)
Cielo: (Muntik ng mahimatay) Daddy magtatago ako.
Daddy: Bakit ka magtatago?
Cielo: Nahihiya ako, nahihiya ako sa kanya, ayokong lumapit.
Daddy: Halika na! ang torpe mo naman!
Cielo: Eh...Nahihiya ako. (Nagbublush ang puta)
...Binuksan ni Marissa Santos (Daddy) ang pintuan ng Blue van na may sticker ng Philippine National Red Cross Manila Chapter sa tagiliran, at biglang bumaba ang chapter administrator ng Manila Chapter na si Crisanta “Baby” Cayetano...
Marla: Hi! Kamusta na!
Daddy: Ok lang ma’am, register po muna kayo (tinuro ang black guest book na hawak ni Cielo)
Marla: ay magreregister pa, sige.
Cielo: (Hindi mapakali, Binuhat si guest book at inilapit sa crush na si Baby Cayetano a.k.a Marla Mailey)
...Nakangiti lang si Mars kay Cielo habang si Cielo at hindi na makahinga at mahihimatay na...
Daddy: Ay ma’am, anak po ni Ma’am Dhel, si Cielo.
Marla: Hi! Mas malaki ito kay Dhel (tumingin kay Cielo at ngumiti sabay sulat ulit.)
Daddy: Magvovolunteer po yan sa RCY niyo ma’am, RCY Manila kasi sa Manila Times po siya nag-aaral.
Marla: (Napatingin kay Cielo) Ay siya ba?? Muka namang
“GIRL”ah! ( Nakangiti kay Cielo)
Daddy: (Tumingin kay Cielo na naninigas sa harap ni Marla)
Cielo: (thoughts) Hala! Sira ulo talaga tong si mama binebenta ako.
Cielo: (after 10 years) Ay ma’am! Pin po!
...Nanginginig na kinuha ni Cielo ang pin na dalawang oras ng nasa bulsa niya. Ipinasok niya ang dalawang kaliwang daliri blouse ni Marla. At halos one minute niyang nilagay ang pin sa damit ni Marla dahil nanginginig ang kamay niya. Nagsasalita naman si Marla habang nilalagay niya ang pin...
Marla: (Nakangiti parin, at kinausap si Cielo) Bakit ang kwento ng mommy hindi ka raw
“GIRL” ?
(Ngumiti si Marla ng nakakaloko kay Cielo)
Cielo: (Nagulat at natawa kay Marla)
...At umakyat na si Marla dahil nakita niya ang circle of friends niya sa loob ng bagong building ng Pasay Chapter...
...Si Cielo ay nagtititili na pumunta sa bahay dahil sa sobrang kilig at dahil namanyak niya si Marla sa paglalagay ng pin sa left chest nito...
...Parang tulig na stalker si Cielo dahil sinusundan niya si Marla. Nakita niyang kumuha ito ng konting rice, pasta, roast beef , fish fillet at garlic beef tapos pumunta sa table kung asan si Ms. Ana at Ms. Emi.
...Buong party, nakatingin lang si Cielo sa kanya...
RLN: (Si Angel ay kasama ni Marla, siya ang nagsabi noon na maganda daw si Cielo) Saan ang CR niyo?
Cielo: Sa baba po,samahan ko na po kayo
RLN: Naku wag na alam kong busy ka...ang ganda naman ng rose mo.
Cielo: Hehe
Cielo: (thoughts) busy po sa pagtingin sa boss niyo, maganda ba to? Magustuhan kaya ng boss niyo?
...umakayat si Cielo at nakita niyang nagbababye na si Marla sa circle of friends niya. Tumakbo siya pababa at hinanap si kuya pjay..
Cielo: Kuya Pjay pababa na siya! Kunan mo kami ng pic!
Kuya Pjay: Sino??
Cielo: Yung crush ko!
Kuya Pjay: Sinong crush?
Cielo: Si Baby Cayetano!
Kuya Pjay: Ahh...sige ba.
...Tumakbo ulit si Cielo papasok sa loob . Tumayo sa may hagdan, nakikinig siya kung may pababa sa hagdan at nakarinig siya ng mabagal at malalakas na foot steps...tumakbo ulit siya palabas at nagtititili...tapos ay nagrelax siya, para hindi siya halatang kinikilig...
...babalik sana siya sa loob ng makitang andyan na si Marla...
Marla: (Nakakita ng circle of friends na padating. Nilagay ang dalawang kamay sa bewang) Hoy! (hitsurang nanay na nagagalit) Bakit ngayon lang kayo? Pauwi nako!
...Lumapit si friend sa kanya at nagbeso sila, chika ng konti...
Kuya Pjay: Ma’am alis na po kayo?
Marla: Oo, salamat ha!
Kuya Pjay: Sandali ma’am picture po muna.
Marla: Sige
Kuya Pjay: Cie...Sama ka!
Marla: Oh si Cielo...halika!
Cielo: Sige lang! (Kunyari ayaw niya)
Kuya Pjay: Sige na sama ka na!
Cielo: (Lumapit kay Marla)
Marla: Anak to ni Dhel eh (Kausap si RLN)
...at nagsimula ang photo session, umakbay si Marla kay Cielo at si Cielo ay walang habas na inilagay ang kamay niya sa bewang ni Marla...
Cielo: (thoughts) Ang lambot! Tita pwedeng pa-hug?
Kuya Pjay: Ay ma’am isa pa po!
Marla: Ay pangit? Sige
...Naisip ni Cielo na sana naging pictorial na lang ang araw na iyon at hindi sila magpapalit ng pwesto, para nakahawak lang siya sa bewang ni Marla...
Kuya Pjay: Ok na po ma’am!
Marla: Sige ha, alis na kami
Cielo: Sige po Ma’am! Ingat po!
Marla: Thank you!
...Naiwan si Cielo na nakatingin sa crush na ubod ng ganda. Si Marla naman ay kausap ang circle of friends na dumating...
Ace: Hoy! Yung rose! Akala ko ibibigay mo?
Cielo: Ay! Oo nga!
Ace: Habulin mo! Bigay mo!
Cielo: Nahihiya ako! Kuya Bry, pakibigay naman to kay Baby Cayetano.
Bryan: Asan?
Cielo: Iyan, yang may yellow na bag, gold ata yan, hindi yellow nga
Bryan: Yan?
Cielo: Oo! Yan, dali habulin mo paalis na siya.
...Tumakbo si Bryan at iniabot ang purple rose kay Marla...
Bryan: ay ma’am, rose po.
Marla: ay,thank you!
...Napangiti si Cielo at kinilig
Bryan: Thank you daw!
Cielo: Thank you din kuya bry, mahal na kita!
...Natapos ang araw na nakangiti si Cielo ngunit bago siya matulog ay may naalala siya...
Cielo: Ay putang ina!
Mac: Bakit na naman te?
Cielo: NAKALIMUTAN KONG MAGBESO KAY MARLA!
Mac: Yun ang matindi dun, tapos ka dyan te, ahaha hindi nakabeso!
Cielo: He! Putang ina, bakit yun pa ang nakalimutan ko!
Mac: Hehehehe BETTER LUCK NEXT TIME te! ahahaha