Wednesday, August 26, 2009

Hola Señor!

Hindi ko talga magets ang reason o ang dahilan ng mga Filipinong, sinisira ang imahe ng mga kapwa Filipino. Yung tipong unconsciously naki-"kiss-ass" sa mga foreigners. Naiinis ba ako dahil "kiss-ass" siya o naiinis ako kasi somewhat true yung sinasabi niya?

Eh ano naman ngayon kung ayaw ng mga Pinoy na sumali sa elections sa Spain? It's not that we are stupid or we lack knowledge about that particular thing. Sa opinyon ko,isang opinyon lamang mula sa maliit kong utak, Ang reason ng mga Filipino sa Spain kaya hindi sila sumasali sa elections ay isang malaking "Why Bother?" It is merely a choice, right? There are a thousand of things na mas importante kaysa sa pagiging representative sa Spain. Mas importanteng maging mabuti ang kundisyon ng pamilya mo dito sa Pilipinas kaysa sa pagkakaroon ng name sa ibang society. Tama ba ko? let's face it, yun naman talaga kalimitan ang reason ng mga OFWs diba? Kung pwede lang naman nilang pagsabayin bakit hindi diba? Para saan ang prestige kung kumakalam ang tyan ng mga anak mo at naghihikahos ang pamilya mo sa hirap.

Pwede mo bang sabihing,

"Isang sinigang nga, dalawang kanin at coke. Ate, libre yan ha kasi ang tatay ko representative sa Spain."

Come on! let's face it! Hindi pwede yun!

Filipinos are striving hard to make a living in other countries. Minsan nga pinapababa na nila ang sarili nila para sa kapakanan ng mga mahal nila sa buhay. They are also striving really hard to uplift our own name in the eyes of this very judgemental and discriminating world. If given a choice, do you think they would let themselves to be azafatas or asistentes? Think about it señor.

Hindi lahat ng inaakala mong tama ay tama talaga. Minsan hindi mo kailangang gumawa ng pangalan para matandaan ng marami. At kahit kailan hindi mo kailangang ipag-pilitan ang sarili mo sa mga taong ayaw sayo, kung ayaw nila sayo eh ano ngayon, diba? Ayon nga kay lola, sabi daw ni Ms. Marco "you don't have to prove yourself to anybody." Tama naman diba.

If they don't like you, so what? IT'S LIFE. You can't please everybody!

No comments: