Saturday, March 7, 2009

KAMBAL

Natatakot ako..

Bakit naman???


Kasi unti- unti na siyang nabubuhay...


Akala ko ba pinatay mo na siya? Akala ko nailibing na siya?


Alam mo naman na hindi ko siya pwedeng ilibing at patayin diba? pinag-pahinga ko lang siya.


Wag kang matakot alam mo na naman ang gagawin kung sakaling magisisng siya diba?


Alam ko pa nga ba???


Ewan ko sayo


Basta, hanggang kaya kong pigilan ang pagisisng niya, pipigilan ko.


Eh paano kung hindi mo mapigilan?


Marami na namang iiyak, marami na namang masasaktan, marami na namang mamamatay.


Paano ka na pag nagising siya?


Nakakulong na naman ako sa loob ng katawang ito habang siya masayang nangugulo.


Kawawa ka naman. sayang hindi mo na mababago ang tadhana. kakambal mo siya.


Oo. Naalala ko pa, dati hindi naman siya ganyan. Parehas lang kami. pero masyadong maraming nanakit sa kanya kaya naging halimaw siya.


Mabait siya, pero nabulak na siya ng hinanakit at sama ng loob


Hindi ko naman mapipigil iyon eh.


Malapit na ba talaga???


Oo, nararamdaman ko na. malapit na malapit na siyang magising.


makikita pa ba kita pagkatapos????


Hindi ko alam, bahala na.

1 comment:

Anonymous said...

Parang gets ko ito... Hmmmmm.